Saturday, July 9, 2011

Chapter 11 The Higashi Corporation

Pinauwi na si Devon ng mga doktor. Nakahiga sya sa kama nya at nagpapahinga. Siguro ang katawan nya napapahinga, pero hindi ang puso at isip nya. "Ikakasal na sya....." yun lang ang laman ng isip nya. Inisip rin nya ang conversation nya with Sam.....

"Devon, now that.....now that he's engaged, can you give me a chance?" tanong ni Sam.

Di nya nasagot ang tanong na iyon ni Sam. Handa na ba syang mag-let go?

"Haaaayy.... kawawang Devon. Sino ba kasi yang Ericka na yan?" tanong ni Cupid kay Cupidette. "Wait a sec, I'm surfing the net. Aha! Sabi dito, sya daw ang anak ng business tycoon na si Kyle Vilongco. Only child. A brat. Andami nyang scandal. She hooked up with Mark White, Rick Sugui to name a few guys. Kaloka naman pala itong babaeng to!" sabi ni Cupidette. "Hay, bisitahin nga natin si James para malaman natin ang truth once and for all!" sabi ni Cupid. At lumipad ang magkapatid patungong America.

Pagdating ng dalawa sa America, nakita nila si James sa office nito. "Sabi na nga ba," sabi ni Cupidette. Nakita nila ang mga photos nila James at Devon na magkasama at may picture si Devon na nakangiti. "Rumors lang talaga ang mga yun," sabi ni Cupid. "We need to take action!" sabi ni Cupidette. Pumunta sila ng Japan at nag-shoot sila ng arrow duon. Tinamaan nila ang presidente ng Higashi Corporation na Japanese firm na ka-deal ng Reidd Corporation dahil balak ng Reidd Corporation ng magtayo ng isang hotel sa Japan. Pagkatapos ay bumalik agad sila ng America.

Samantala, nakatanggap naman si James ng tawag kay Jun Horie, ang presidente ng Japanese firm na ka-deal nila. Sinabi nito na kung pwede ba daw silang magkita para pag-usapan pa ang tungkol sa hotel. Pumayag naman si James. Ang sabi ni Mr. Horie ay kung pwede sa Pilipinas sila magkita dahil anduon si Mr. Horie ngayon. At pumayag ulit si James. Ngumiti si James ng binaba nya ang telepono. "Finally, I have the time and reason to visit the Philippines," isip ni James. He booked the earliest flight to the Philippines.

Sa Boracay ang place kung saan sila magme-meet ni Mr. Jun Horie. Mr. Horie likes to mix business with pleasure. Nagsta-stay si Mr. Horie sa Blue Resort kaya dun na rin nag stay si James. "Good morning. Are you Mr. James Reidd?" said a pretty brunette. "Yes, I am James Reidd. And you are?" sabi ni James. "I'm Ayami. It's a pleasure to meet you," sabi ng babae. Kilala nya ang babae ito. Sya si Ayami, ang vice president ng Higashi Corporation. "Mr. Horie is currently sick and he's in his room. He asked me to show you around," sabi ni Ayami. "Oh, it's okay, I don't want to be a bother," sabi ni James. "Oh, it won't be a bother," sabi ni Ayami at ngumiti ito kay James.

1 comment: